THE LAST WOLF PRINCESS

CHAPTER 13



Nang madala na ang mga nasabing pagkain sa library ay mabilis niya iyong kinain. Gutom na gutom siya. Iyon lang ang tangi niyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Ang kumain ang tila nagbibigay sa kanya ng ibayong lakas, at kakayahang makapag-isip.

Pakiramdam niya ay nanghihina siya sa loob ng mga araw at gabing hindi siya nakakain. Pero hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang mga sinabi ni Hyulle sa kanya. Hindi lang nito magawang patayin siya dahil inisip nitong siya ang mate nito. Ngunit paano na kung makahanap ito ng ibang mate?

"Walang ibang mate," sambit nitong bigla.

Alam niyang nababasa nito ang mga iniisip niya. "Naloko na, wala raw. Pwede ba iyon, ang lalaking werewolf, madali lang sa inyo ang makahanap ng ibang babae, at makakasama sa buhay niyo," sabi niya sa kanyang isipan. "Kung totoo iyan, hindi kita hahabulin," sambit na naman nito na nagsasalita habang nakatitig lang sa kanya. Sinasagot ni Hyulle ang bawat sinasabi niya sa isipan niya.

"Pwede ba! Huwag mong basahin ang laman ng isipan ko," singhal niya sa lalaki.

"Malakas na ba ang loob mo na sigawan ako dahil alam mo na bilang lalaki, may pangangailangan ako sa aking mate na nasa harapan ko," sambit nito sa kanya, na tila nagbabanta.

Napalunok naman siya at natigilan sa pagnguya ng karneng kasusubo lamang niya. Biglang tila nawalan siya ng hangin at parang may nagbara sa kanyang lalamunan. Napukpok niya pa ang kanyang dibdib ng dalawang beses. At mabilis namang inilapit ni Hyulle ang boteng may lamang gatas ng baka. Mabilis niya iyong nilagok hanggang sa malunok niyang lahat ng mga kinakain niya.

"Magdahandahan ka kasi," sambit nito na napangiti pa. At tila natulala siya sa nakitang pagngiti nito. Para bang bumagal ang oras at nag-slomotion ang mga kilos nito sa kanyang paningin. Para ba siyang namatanda at natulala na lang sa binata. "Polina," tawag nito sa kanya.

"Ha?" nasagot niya ng wala sa loob.

"Iyong laway mo, tumutulo," sabi nito na tumawa ng malakas sabay tayo na at tumalikod. Lumakad na ito palabas.

Naiwan naman siyang natitigilan, hinawakan pa niya ang gilid ng mga labi upang malaman kung may laway nga siyang tumutulo. "Sinungaling talaga," nasabi na lamang niya ng matiyak na wala namang laway.

Sa loob ng library ay mayroong silid tulugan, doon na siya pinatulog ni Hyulle. Mula raw sa araw na iyon ay doon na lang siya mag-aaral. Lahat daw ng mga aklat sa library ay sapat para matuto siya. At isa pa nga raw ay professor naman si Hyulle sa university na pinapasukan niya. Ang isiping ito na lang ang magtuturo sa kanya ay parang kinatamaran na niyang mag-aral. Ayaw na niyang mag-aral pa. Para saan pa nga ba? Kinakailangan pa bang mag-aral ng isang Werewolf? Tanong niya.

Nakatulog siya, at kinabukasan na nagising siyang nasisinagan ng liwanag mula sa bintana ang kanyang paningin. Napalingon siya sa kanyang likuran ng may mabangga ang kanyang siko.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng may makitang katawang nakatalikod ng patagilid sa kanya. "Anong ginagawa nito rito?" bulalas niya. At mabilis na napatayo sa kama. "Hyulle!" sabay hablot niya ng kumot.

"B-Bakit ba?" nagtataka naman itong napabangon. Medyo nakahinga naman siya ng maluwag nang makitang half naked lamang ito.

"Bakit dito ka natutulog? Ang galing mo rin no! At talagang tumabi ka pa sa akin! Bastos! Mapagsamantala!"

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Hoy! Bago ka magbintang pwede bang magpaliwanag muna ako," sambit nito na mahinahon lang at sinundot pa ang butas ng tainga.

"Para talagang animal," naibulong niya sa kanyang sarili.

"Naririnig kita," sagot na naman nito.

"Bakit mo ba ginagawa ito? Nakakainis na ha!" sabi niyang muli sabay hilang mulis sa kumot.

"Makatabing ka naman sa katawan mo, nakadamit ka naman a, wala akong ginawa sa iyo," sambit naman nito sa kanya.

Siya naman ay umirap sa lalaking sitting preety na nakaupo sa kama ng pa-indian seat. "Will you get out of here?" galit niyang sambit na patanong na may halong pag-uutos sa binata. "Nakakarami ka na a, pasalamat ka ikaw na ang kumander ko, kaya sige aalis na muna ako," sabi nitong naglahong parang bula sa kanyang harapan.

Naiiling na man siyang bumalik sa kanyang kama nang masigurong wala na ang binata. Napahawak siya sa kanyang dibdib na napakabilis ng tibok ng mga oras na iyon. Hindi niya malaman ang pagkilos na gagawin kapag nasa harap niya ito.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Kaya naman nais niyang hanggat maari ay umiwas na lang at hindi na ito makasama. Pero sa kalagayan niya ay tila mahirap na magawa niya iyon. Lalo na ngayon na wala itong ginawa kundi ang sundan siya. Hindi niya akalaing tatabihan siya nito sa kanyang pagtulog. Ngunit nasiguro naman niyang hindi siya ginawan ng masama nito.

Nang makatapos siyang maligo ay muli niyang sinuot ang uniporme niya bilang tagapagsilbi. Bumaba na siya sa kusina para gumawa ng mgatrabaho. Ngunit laking gulat niya ng magsisigaw si Manang Martha, "Ay! Nako Señorita Polina, tigilan mo iyan!" Dali-dali itong kinuha ang mga hawak niyang pinggan at sponge naginagamit niya sa paghuhugas ng mga iyon.

"B-bakit ho?" taka niyang tanong.

"Nako! Huwag iha, para mo nang awa sa amin, mapapagalitan kami," sambit ng matanda.

"B-bakit naman po? D-dati ko naman po itong trabaho a," sagot niyang muli na hindi maunawaan ang sinasabi nito sa kanya.NôvelDrama.Org content rights.

"Nako, iba na ngayon, Señorita, pinagsabihan na kaming lahat rito, na mula ngayon ay hindi kana katulong rito, ikaw raw ang ang fiancee ni Sir Hyulle," paliwanag ng matanda.

Nalaglag ang panga niya sa narinig at hindi siya makapaniwala na mangyayari ang bagay na iyon, hindi siya makapaniwala na sasabihin ni Hyulle sa lahat ng mga tao roon ang bagay na iyon. "N-Nako, h-hindi po Manang Martha, m-mali ho kayo ng pagkaintindi!" nabulalas niya.

"Ha, anong mali, e pinatawag nga kami mismo ni Sir Hyulle," singit naman ni May sa kanila.

"Oo nga, nako Polina, napaibig mo pala si SIr Hyulle, jockpot ka!" bulalas naman ni Aling Selya.

"Nako, hindi po," tanggi niyang muli. Ngunit ang tatlong mga kasambahay ay hindi na naniwala pa sa kanyang mga sinasabi. Kaya lalo tuloy siyang nakadama ng inis sa binatang si Hyulle.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.