CHAPTER 14
Malakas na katok ang ginawa ni Polina sa silid na kinaroroonan ni Hyulle. Galit at inis ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon, at nang parang walang kibo siyang naririnig mula sa loob ng silid nito ay napahawak na lang siya sa kanyang baywang. Nasaan naman kaya ang hambog na lalaking iyon?
Muli niyang kinatok ang pintuang nakasarado, at sa puntong iyon ay mas nilakasan pa niya ang kanyang pagkatok. Ngunit nagtataka siyang wala pa rin. Napaisip tuloy siya kung naroon ba talaga ito sa loob ng silid nito. O baka naman may nagaganap na sa loob ng silid nito? Kaya naman naisipan na niyang pihitin ang seradurang tanso na nakakabit sa dahon ng pintuan nito. Nagulat siyang napihit iyon, tanda nang hindi naka-lock ang pintuan ng dati niyang amo. Na ngayon ay umaangkin sa kanya bilang fiancee. Hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari na basta na lamang siya nitong gawing fiancee, ng walang pasabi manlang, o tanungin manlang siya sa kung pumapayag ba siya o hindi sa gusto nito.
Nang mabukasan nga ang pinto at tuluyan siyang nakapasok sa loob ay namangha siya sa linis at lawak ng silid nito. Parang nanibago siya dahil hindi naman iyon noong nililinis pa niya ito. Bakit biglang nagbago ang loob niyon. Bigla na lamang lumaki at lumawak ang silid nito at nang lumapit siya sa bintana, nanlaki ang mga mata niya nang makita ang malawak at asul na dagat sa labas.
"Paanong nangyaring may karagatan sa labas? Wala naman kami sa probinsiya ha?" nabulalas niya.
"Dahil narito ka sa silid ko, at ngayong alam mo nang isa kang Werewolf, nakikita mo na rin ang mga hiwaga na hindi nakikita ng normal na tao," sambit ng isang malamig at mahinahong tinig ni Hyulle, mula sa kanyang likuran. Nagulat man siya sa biglaang paglitaw nito ay hindi niya iyon ipinahalata. Ngunit halos mapaiktad ang katawan niya ng maramdaman niya ang pag-pulupot ng dalawang kamay nito sa kanyang baywang mula sa kanyang likuran at maging ang mainit na hininga nito na dumapo sa kanyang leeg ay hindi niya naiwasang hindi panayuan ng balahibo sa buong katawan.
Ibang kilabot ang idinulot noon sa kanya, at halos lumabas ang kanyang puso sa loob ng kanyang katawan. Pero pinilit pa rin niyang magpakatatag. Patulak niyang pinalayo si Hyulle sa kanya.
"Bakit mo ba ginagawa ito? Talaga bang hindi ka titigil sa pang-iinis mo sa akin?" matigas niyang sambit sa binata.
"But---w-why?" nagtataka nitong tanong sa kanya.
Na animo ay wala talagang alam sa kanyang sinasabi. "Kunwari ka pang walang alam! Alam ko naman na nababasa mo ang iniisip ko ngayon," sambit pa niya sa lalaki.
"Well, pinag-aaralan kong huwag basahin ang mga iniisip mo, kaya ngayon hindi ko talaga alam ang ikinagagalit mo."
"Mabuti naman, may kakayahan ka palang ganyan no? Pwes sasabihin ko sa iyo! Tigilan mo ang pagpapakalat mo na fiancee mo ako. Dahil hindi ako natutuwa." Sabay talikod na sana niya sa lalaki.
Ngunit sa isang iglap lang ay nasa harapan na niyang muli ang lalaki. "Ano bang kailangan kong gawin para magkasundo na tayo? Gusto mo bang umiwas na ako sa iyo?" sambit nito sa kanya. Ikinagulat naman niya ang biglaang pagseryoso ng mukha ni Hyulle.
"T-talaga? Lalayuan mo na ako?" may pag-aalangan niyang tanong sa lalaki at sa isang iglap at walang ano-ano ay nawala itong bigla sa kanyang harapan. Naiwan naman siya muling tulala at hindi na makapaniwala sa nangyayari. Kinabukasan ay sinadya niyang maagang gumising, iyong tipong tulog pa ang lahat, inunahan niya ang mga dating kasamahan na gawin ang mga gawaing bahay. Maaga pa lang ay nilinis na niya ang mga dapat linisin. Ngunit ng makaramdam siya ng gutom ay nagtungo siya sa kusina at naghanap ng makakain sa kanilang refrigerator, kaya lang ay nakapagtatakang walang laman ang ref. Naisip niyang sinadya kaya ni Hyulle na huwag nang magpalagay ng pagkain dito para matuluyan na siyang mamatay? Isang isiping nagpakirot sa kanyang puso.
Naalala niyang kagabi rin ay hindi siya nakapag hapunan. Ni wala ring kumatok sa kanya para tawagin siya o ayain siyang makakain.
Iyon na ba talaga ang kaparaanan ni Hyulle? Nang sabihin nitong hindi na magpapakita sa kanya? Para pala tuluyan na yata siyang mawalan ng buhay dahil sa gutom.
"Nagugutom ka ba?" napapitlag siya ng marinig ang boses ni Manang Martha.
"Po?" nasagot niya.
"Kung nagugutom ka ba? Wala na kasing karne ng baka riyan, pero may manok naman, ipagluluto kita, ang mabuti pa," sambit nito sa kanya.
"Ho? Huwag na po, ayoko pong makaabala sa inyo, may noodles naman po, iluluto ko na lang," kimi niyang sagot.
Simula kasi ng ipagsabi ni Hyulle na siya ay fiancee nito, parang naalangan na siyang makipag-usap sa lahat ng kasambahay nila."Nako, ayos lang," sambit pa nito, habang kinukuha ang mga karne sa kabilang freezer. Itinapat nito sa gripo, at saka pinihit at poset, para luambas ang tubig mula roon. "Alam mo Polina, pagpasensiyahan mo na kami ha, alam mo naninibago lang iyong dalawa," sambit pa nito sa kanya, na ang itinuukoy ay sina May at Selya. "Nako, wala na po iyon Manang Martha."
"Nako, bakit nilinis mo pa ang buong sala, nakita ko naroon ka kanina, kapag nakita ka ni Sir Hyulle, mapapagalitan iyong dalawa," paliwanag ng matanda.
"Patawad po, alam ko pong malaking gulo na ang idinudulot ko sa inyo," sabi pa niya.
"Si Sir Hyulle, nakakatuwa, ang laki na ng pinagbago niya simula ng makilala ka niya."
"Po, talaga po ba? Parang ganon pa rin po siya, masungit at mapang-asar." sagot naman niya.
Ngunit sabay pa silang nagulat ng biglang pumasok si Aling Selya sa loob ng kusina kung saan sila naroon. "Manang Martha, hindi po kayo maniniwala!" may paghihisterikal nitong sambit sa kanila.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now! "Bakit ho?"
"Bakit ano ba iyon Selya?" segundang tanong ng matanda kay Aling Selya.
"M-May halimaw na nanalansa sa pamilihan!" sambit nito sa amin na nababanaag namin ang takot sa kanyang mga mata.
Siya naman ay kinabahan para sa sinasabi nitong halimaw!" Anong halimaw?"
"Kakaiba ang itsura nila, para silang mga taong napupuno ng balahibo ang buong katawan, may mga pangil sila, at umaalulong na parang mga aso!"Material © of NôvelDrama.Org.
"T-Teka Selya, paano mo naman nalaman iyan?" tanong muli ni Manang Martha.
Nailapag nito ang hawak na sandok."Nako, ay nasa pamilihan nga, at alam niyo ba, nakatakbo ito at hindi pa nahuhuli, nakita ko na may isang babae siyang sinaktan at kinain sa harapan namin! Alam mo para siyang mabangis na halimaw na hayok na makakain ng tao!"
Sa narinig niya ay isa lamang ang naiisip niya, ang lumabas at tulungan ang sinumang maari pang saktan ng halimaw na wolf na iyon. Alam niyang kalahi niya ang isang iyon, maaring isa ito sa mga taong wolf na nanghihina at hindi na makuntento sa karne ng hayop.
"Dito muna po kayo!" sabay takbo niya palabas ng kusina.
"Nako! Polina saan ka naman pupunta?" malakas na sigaw ni Aling Martha.